-- Advertisements --

barbers

Ipinanukala ni House Comminttee on Dangerous Drugs chairman at Congressman Robert Ace Barbers na gawing mandatory ang drug testing sa mga artista na iniidolo ng publiko lalo na ng mga kabataan.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Barbers, sinabi nito na kailangan sumailalim muna sa drug testing ang mga actors, actress at iba pang showbiz personality bago sila tanggapin at magsimulang gumawa ng mga pelikula at iba pang trabaho.

Ito ay matapos mahuli sa isang buy-bust operation sa Quezon City ang artistang si Dominic Roco at apat pang indibidwal nitong nakalipas na Sabado, Oct. 1.

Dagdag pa niya, kahit alam daw niyang karamihan sa mga celebrities ay drug-free, may iilan pa rin sa mga ito ang naliligaw ang landas.

Nanawagan din siya sa pamunuan ng movie at TV industry na tumulong sa pagsawata ng iligal na droga sa bansa.

Nahuli si Dominic ng mga pulis bandang ala-1:20 ng madaling araw noong Sabado, October 1, sa drug buybust operation sa isang townhouse sa Don Antonio Heights sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Si Dominic ay anak ng veteran actor na si Bembol Roco at kakambal naman ni Felix Roco.