-- Advertisements --
Pinalawig pa ng hanggang 2030 ng mga mambabatas sa Egypt ang termino ni President Fattah el-Sisi.
Dinomina ng 596-member Parliament ang panukalang batas kahit na marami ang tumutol.
Sinabi ni Parliament Speaker Ali Abdelal na magsasagawa muna sila ng pagpupulong sa publiko bago ito tuluyang maging epektibo.
Ang official announcement ay isasagawa ng National Election Authority.
Nilinaw naman ni Abdelal na hindi nakialam o nanghimasok ang kanilang pangulo sa nasabing desisyon.