-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-“Kailangan ang wastong disiplina upang maiwasan ang malnutrisyon.”

Ito ang hamon ni Cotabato Governor Emmylou “Taliño-Mendoza sa lahat ng mga ina na dumalo sa Nutrition Month Celebration ng pamahalaang panlalawigan na ginanap sa Brgy. Liliongan, Carmen, Cotabato.

Sentro ng kampanya ang pagsusulong ng kaalaman sa mga buntis at may mga sanggol na tutukan ang unang isang libong araw ng paglaki ng bawat kabataan upang malnutrisyon ay malabanan.

Ayon kay Regional Nutrition Coordinator Rosebeth Laquihon, kailangang tiyakin ng mga magulang ang pagbibigay ng wastong nutrisyon sa mga sanggol at kailangan rin ang regular na pagpapakonsulta sa doktor upang matutukan ang paglaki ng mga bata.

Nakiisa rin sa selebrasyon si 3rd District Representative Samantha Santos, Board Member Jonathan Tabara, at Municipal Councilors ng nasabing bayan.

Tema ng selebrasyon ngayong taon: New normal na nutrisyon, sama-samang gawan ng solusyon.