Maling impormasyon mula sa mga recruitment agency ang itinuturong dahilan sa pagdagsa ng mga walk-in applicants sa Consular Office sa Parañaque ng Depart Foreign Affairs (DFA).
Sa isang pahayag ay sinabi ng DFA na ilan sa mga aplikante ang sinabihan umano ng kanilang manpower agencies na pumunta sa consular office para makakuha ng appointment slots.
Marami rin anilang mga ahensya ang nagpayo sa mga aplikante na pumila at mag-overnight sa DFA Aseana upang mapabilis daw ang pagproseso sa kanilang mga dokumento.
Itinuturing ng DFA na iresponsable at malisyoso ang pag-uugali na ito ng ilang recruitment agencies.
Samantala, maaari namang magtungo ang iba pang mga walk-in applicants sa sampu pang office site offices sa Megamall, SM Maniola, Robinsons Star Mall, Alabang Town Center, Robinson’s Place Iloilo, Ali Mall Cubao, CSI Mall in La Union, SM City Davao, Pacific Mall Mandaue, at SM Downtown Premier sa CAgayan De Oro.
Magugunita na noong Marso 22 ipinahayag ng kagawaran na tatanggap na rin sila ng mga walk-in applicants para sa Apostille o document authentications services.