Nagpahayag ng commitment ang Malaysia na ipagpapatuloy nito ang pagsuporta sa pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa peace process sa Mindanao.
Ginawa ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim ang naturang pahayag nang mabatid nito ang isang resolution na ipinasa ng Bangsamoro Transition Authority Parliament na nagpapahayag ng kanilang pasasalamat sa Malaysian leader para sa pagsuporta nito sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Mindanao.
Sinabi din ng Mayasian PM na bukas ang Malaysia na magbigay ng tulong para sa capacity building at socio-economic development ng komunidad sa Bangsamoro para makapag-ambag sa pag-unlad ng rehiyon.
Una ng tiniyak ni PM Ibrahim ang suporta ng Malaysia sa PH pagdating sa peace process nang bumisita ito sa bansa noong Marso 2023.