-- Advertisements --

Napili ang Malaysia na maging 2027 Southeast Asian Games habang ang Singapore ay sa 2029.

Sinabi ni Olympic Council of Malaysia president Norza Zakaria na nagpasya ang SEA Games Federation ng magsagawa sila ng pagpupulong ilang oras bago ang opening ceremony ng Hanoi, Vietnam SEA Games.

Habang ang Singapore Olympic Council ay inanunsiyo na ito na ang pang-limang beses na hahawakan nila ang biennial Games.

Magugunitang gaganapin sa Camboadia ang 2023 SEA Games habang sa Bangkok, Thailand ang 2025 SEA Games.