Malawak pa rin ang apektado ng bagyong Auring kahit naging tropical depression na lamang ito.
Nakataas pa rin kasi ang signal number one (1) sa mga sumusunod na lugar:
Signal no. 1:
Luzon:
Sorsogon, Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands, Albay, Catanduanes at eastern portion ng Camarines Sur.
Visayas:
Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Bohol, Cebu, Siquijor, northern at eastern portions ng Negros Oriental, northern at central portions ng Negros Occidental, eastern portion ng Iloilo at eastern portion of Capiz
Mindanao:
Dinagat Islands, Surigao del Norte, northern portion ng Surigao del Sur, Agusan del Norte, northern portion ng Agusan del Sur, eastern portion ng Misamis Oriental at Camiguin
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 195 km sa silangan ng Maasin City, Southern Leyte.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Taglay na lamang ng TD Auring ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.