-- Advertisements --

Nakaranas ng malawakang brownout ang capital city ng Taiwan na Taipei.

Ayon kay economic affairs minister Wang Meihua, na nagkaroon ng aksidente sa power plant na matatagpuan sa southern Taiwan.

Nagkaroon umano ng problema sa transformer ng Xingda power plant sa Kaohsiung kung kayat agad nilang binuha ang backup sources ng kanilang power.

Tiniyak naman ng kanilang gobyerno na kanilang iimbestigahan ang nangyaring insidente.