-- Advertisements --

Umani ng kabi-kabilang batikos mula sa ilang kongresista ang umano’y malaking pondo na hinihingi ng Department of National Defense sa ilalim ng panukalang 2020 national budget.

Nitong araw nang dinggin ng House Committee on Appropriations ang P258-billion na pondong hinihiling ng kagawaran sa Kongreso.

Ito ay mataas daw ng P2-million mula sa P2.3-billion na budget ng DND nitong 2019.

Kinuwestyon ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas ang proposed budget ng kagawaran na tila mauubos lang daw sa balat at gamit ang pang-giyera.

Hindi naman kumbinsido si Bayan Muna Party-list Rep. Eufemia Cullamat sa P522-million na paglalaan ng DND para sa national task force nito.

Ani Cullamat, lalala lang ang pag-atake ng mga sibilyan imbis na maresolba ang armed conflict sa bansa.