-- Advertisements --

Naghahanap na ng lugar ang Board of Investments (BOI) para sa pagtatayo ng planta ng isang Chinese electric vehicle manufacturer.

Ayon kay BOI managing head and Trade Undersecretary Ceferino Rodolfo na isang pinakamalaking electric vehicle sa China ang interesadong magtayo sa bansa ng kaniyang planta.

Aniya na mayroong partnership ang Pilipinas at Chinese company na maglulunsad ng tatlong electric vehicles project.

Ang nasabing partnership ay mag-iinvest ng P25 bilyon para maglagay ng charging stations.

Nakatakda rin silang magtayo ng 1,000 electric vehicle charging stations at magdadala ng 20,000 electric vehicles sa bansa.