-- Advertisements --

Ibinahagi ni Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko ang nananatiling mataas na kumpyansa ng kanilang bansa sa Pilipinas, bilang investment area.

Kasunod ito ng kumpirmasyon na naglagak na ng malaking investment ang Sumitomo Mitsui Banking Corporation (SMBC) sa lokal na bangko sa Pilipinas.

Ayon kay Ambassador Kaz, hindi nagbago ang pagtitiwala ng kanilang bansa, na kakayaning humawak ng mga negosyo rito, kahit umiiral ang pandemya.

Hangad din umano nila na mas marami pang negosyante mula sa Japan ang mag-invest sa Pilipinas sa mga darating na panahon.