-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Russia na kanilang nakubkob na malaking bahagi ng Luhansk region sa Ukraine.

Sinabi ni Russian defense minister Sergei Shoigu na aabot sa 97 percent ng Luhansk Oblast ang kanilang nasakop na.

Karamihan sa mga kanilang nakubkob ay mga residential area.

Patuloy din ang kanilang ginagawa para makontrol ang mga industrial areas.