-- Advertisements --
FLORIDA

Unti-unting nagrerekobar ang mga residente sa estado ng Florida sa Estados Unidos matapos ang hagupit ng Bagyong Ian sa nakalipas na mga araw.

Sa ulat ni Bombo International News Correspondent Don Hosfeld, isang Amerikanong Pastor sa Nokomis, Florida, marami ang mga nasirang ari-arian dahil sa hagupit ng malakas na bagyo.

Karamihan aniya sa Florida ay hindi pa naibabalik ang suplay ng tubig at kuryente.

Patuloy parin ang rescue operations para sa mga apektadong residente na apektado ng malaking baha.

Katuwang naman ng gobyerno ng Estados Unidos ang ilang organisasyon para maiabot ang tulong sa mga apektado residente.