-- Advertisements --
OIL PRICE HIKE PISTON

Tuloy ang pagpapatupad ng mga oil companies ng malakihang oil price hike bukas araw ng Martes.

Ayon sa mga energy sources, ang gasolina ang mayroong pinakamalaking umento na papalo sa P3.00 hanggang P3.50 kada litro.

Malaki rin ang dagdagan sa presyo ng kada litro ng kerosene na P2.40 hanggang P2.90.

Ang produktong diesel ang mayroong pinakamababang rollback pero nasa P2.20 hanggang P2.70 pa rin ang dagdag sa kada litro.

Karaniwang inaanunisyo ang oil price adjustment sa araw ng Lunes at inaanunsiyo sa araw ng Martes.

Ito na ang ikatlong sunod na linggo na tumaas ang presyo ng langis.

Paliwanag ng Department of Energy (DoE), ang panibagong oil price hike ay dahil sa tumataas na demand ng langis sa China na nagluwag na ng kanilang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic protocols at sa gitna ng pangamba sa global recession at bunsodnna rin ng mataas na imbentaryo ng langis sa Estados Unidos.