-- Advertisements --

Inihayag ng Malakanyang na wala pa silang makukumpirmang impormasyon kaugnay ng umano’y planong destabilisasyon laban sa pamahalaan sa darating na Hunyo 12, 2026, kasabay ng paggunita ng Araw ng Kalayaan.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, hindi na bago ang mga ganitong ulat dahil matagal na umanong may mga grupong nagtatangkang magluklok ng kanilang sariling lider sa kapangyarihan bago pa man ang halalan sa 2028.

Nagbabala rin si Castro sa publiko na mag-ingat at maging mapagmatyag laban sa mga tinawag niyang “kampon ng kadiliman” na maaari umanong maghasik ng kaguluhan.

Binigyang-diin ng opisyal na nasa mandato na ng mga law enforcement agency at investigating bodies ang pagsisiyasat at pagpapatupad ng kaukulang aksyon laban sa anumang iligal na gawain na nagbabanta sa seguridad ng bansa.