-- Advertisements --

Tinawag ni Palace Press Officer Claire Castro na basura ang rebelasyon ng 18 dating bodyguards.

Sinabi ni castro, hindi umano tatayo sa korte ang testimonya ng 18 dating bodyguards ni dating Cong. Zaldy Co tungkol sa pagde-deliver ng male-maletang pera.

Reaksyon ito ng Malakanyang sa gitna ng mga puna sa inconsistencies sa mga pahayag ng “18 maleta boys”.

Ayon kay Castro, ang ganitong klaseng mga statement na pabagu-bago ay hindi papasa sa masusing pag-aaral at pagsusuri ng korte. 

Ngayon pa lang anya ay nakikita na kung anu-anong klase ang kuwento ng mga ito para makapanira lamang.

Una rito, binawi ng 18 dating bagmen ang alegasyon na naghatid sila ng maleta na puno ng pera sa bahay ni Sen. Loren Legarda.