Ikinagagalak ng Malakanyang ang naging positibong standing ng Pilipinas sa Corruption Perception Index of Transparency International.
Sa isang pahayag, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ito ang resulta ng naging pagsisikap ng gobyerno hindi lang para gawing mabilis ang mga proseso ng transaksyon sa pamahalaan.
Aniya, layon ng pagsisikap na ito na mapigilan ang anumang uri ng korapsyon sa gobyerno.
Ito ay sa pamamagitan ng digitalization ana itinutulak ng kasalukuyang administrasyon.
Paliwanag ni Bersamin, naipatupad nila ang streamlining sa institutional processes dahil sa digital transformation.
Tiniyak naman ni Bersamin na mananatiling matatag ang pamahalaan sa mga pangako nitong maibigay sa bawat Pilipino ang mas pinabilis na serbisyo publiko.
Isa rin aniyang hamon ang nakamit na standing ng Pilipinas sa Corruption Perception Index upang lalo pang pag-ibayuhin ang digital transformation sa pamahalaan.
Sa pamamagitan nito ay maiiwasan rin ang pagkakaroon ng mga pandaraya at katiwalian sa mga opisina ng gobyerno.