Bumwelta ang Palasyo ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng lumolobong utang ng Pilipinas.
Sa isang rally sa Australia, kinwestyon ni VP Sara ang mahigit 16 trilyong utang ng bansa at sinabi nyang hindi naman daw nararamdaman ng publiko kung saan napupunta ang inuutang.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro na hindi lamang sa kasalukuyang administrasyon nag-ugat ang naturang utang.
Sinabi ni Castro as of June 2022 bago maupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pwesto, nasa 12.79 trilyon na ang utang na iniwan ng Duterte administration.
Kung saan, umabot anya sa 6.83 trilyon ang inutang sa panahaon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, katumbas ng 115.1% na pagtaas kumpara sa mga naunang administrasyon.
Ayon pa sa Palasyo, nagsisikap ang pamahalaan na maiwasan ang labis na pangungutang sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ekonomiya at maayos na pagkolekta ng buwis.
Gayunman, aminado si Castro na may mga pagkakataon tulad ng panahon ng krisis na hindi maiiwasang mangailangan ng karagdagang pondo ang gobyerno.