-- Advertisements --
Nananatiling tahimik ang Malacañang sa ulat na nagtungo sa Singapore si Pangulong Ferdinand Marcos Jr para manood ng Formula One grand Prix.
Hindi nagbigay ng anumang pahayag ang ilang opisyal ng Palasyo sa pagkalat ng mga larawan ng Pangulo habang ito ay nanonood ng Formula One racing.
Makikita rin sa official website ng F1 Singapore ang larawan ng Pangulo at anak nitong si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos sa Marina Bay.
Una ng sinabi ng Office of the President na wala pa silang impormasyon ukol sa pagbiyahe ng pangulo.
Magugunitang binatikos ng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) na iresponsable ang hakbang ng pangulo dahil sa katatapos lamang ang pananalasa ng bagyong Karding.