-- Advertisements --

Walang pangangailangan na magsagawa ngayon ng loyalty check sa hanay ng mga sundalo ang Armed Forces of the Philippines (AFP). 

Ito ang binigyang-diin ng Malakanyang, kasunod ng babala ni Senator Panfilo Lacson na may mga miyembro ng AFP ang naghahayag umano ng pagka diskuntento  na posible umanong humantong sa planong destabilisasyon laban sa pangulo at sa kaniyang  administrasyon. 

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, na  batay na rin sa pamunuan  ng AFP, wala silang nakukuhang anumang impormasyon hinggil dito, bagaman patuloy silang nakabantay. 

Sa ngayon, tiniyak ni Castro na ang hanay ng AFP ay nananatiling aktibo, nagkakaisa at propesyunal.

Alam aniya ng mga ito ang kanilang mandato para sa bayan at alinsunod sa konstitusyon.