
Pinabulaanan ng Malacañang ang umano’y pagdadala ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng nasa 70 delegasyon ng Pilipinas para sa 2023 World Economic Forum sa halip ay 11 lamang ang rehistrado para sa taunang event na ginaganap sa Davos, Switzerland.
Ito ang paglilinaw ni Communications Secretary Cheloy Garafil bilang tugon sa isang report na nagsasabing binubo ng 70 miyembro ang delegasyon ng bansa kabilang ang mga nasa pribadong sektor at negosyante at ilan pang mg opisyal ng gobyerno.
Ikinumpara din ang nasabing bilang sa delegasyon ng Amerika na mayroon lamang 19 na miyembro, sa India na mayroong apat na union ministers at 3 state chief ministers at sa Finland naman ay mayroon lamang apat na miyembro.
Kinumpirma din nina Trade Secretary Alfredo Pascual at Finance Secretary Benjamin Diokno na lahat ng mga sumama sa Pangulo sa Davos ay mahalaga ang tungkulin sa pagdalo sa naturang event.










