-- Advertisements --
Nangako ang Malacañang na maiimbestigahan ang pagpaslang sa 73-anyos na abogado sa Nueva Ecija noong Biyernes.
Iginiit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi papalagpasin ng Duterte administration ang krimen katulad nang pagpaslan kay Atty. Bayani Dalangin.
“And for that matter, lahat ng nandito sa ating bansa, whether yan ay kababayan natin o hindi, hindi pwede kay Presidente [Rodrigo Duterte] yun,” ani Panelo.
Agad na binawian ng buhay s Dalangin matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek noong Biyernes ng gabi habang nasa meeting sa kanyang kliyente.
Kaagad namang nakatakas ang gunman lulan ng kanyang motor.