-- Advertisements --

Nagpaliwanag ang Malacanang sa hindi pagkakasama ng EDSA People Power Anniversary sa Pebrero 25, 2025 bilang holiday.

Kasunod ito ng inilabas na listahan ng mga regular at special holiday sa susunod na taon.

Ayon sa Office of the President, hindi na isinama ang naturang okasyon dahil natapat naman sa linggo ang naturang event.

Sa tingin umano ng tanggapan ng pangulo, wala nang pangangailangan na itala pa ang Pebrero 25 bilang special non-working day, dahil karamihan naman sa mga manggagawa ay sadyang walang pasok sa ganung araw.

Gayunman, walang magiging pagbabago sa ilang aktibidad na may kaugnayan sa paggunita ng EDSA revolution na naghudyat sa pag-alis sa tungkulin ni dating Pangulong ferdinand Edralin Marcos Sr.