-- Advertisements --
Patuloy na iniimbestigahan ng Malabon City government ang naganap na pagguho ng apat na palapag na gusali nitong Linggo ng umaga.
Sa nasabing insidente ay nasugatan ang tatlong katao na dinala na ang mga ito sa pagamutan na kinilala sina Francisco Catindoy, Ronalyn Tombocon at Rob Tombocon.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Malabon na gumuho ang gusali na matatagpuan sa Orchid Street ng Barangay Longos pasado ala-7 ng umaga nito ng Linggo.
Base sa ilang pahayag ng mga bikitma na naranas sila ng pagyanig bago ang pagguho.
Nalaman din ng mga otoridad na ang tinatayuhan ng gusali ay isang dating sapa na tinabunan lamang ng mga lupain.