-- Advertisements --

Magdedeklara ngayong araw ng state of calamity ang Makati City.

Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, layunin nitong magamit ang pondo para mabigyan ng sapat na tulong ang mga higit na nangangailangang sektor dahil sa isyu ng COVID-19.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 14 cases at dalawang nasawi.

Sinabi rin nitong may plano na sila kung sakaling aabot sa worst case scenario, ngunit hindi na muna niya ito isinapubliko.