-- Advertisements --

Hinamon ni ACT Teachers PL Rep. France Castro ang Senado na unahin ang taumbayan, at huwag ang personal na interes, sa gitna ng isyu ng impeachment laban kay Vice Pres. Sara Duterte.

Ayon kay Castro na may “something fishy” o kahina-hinala sa nangyayaring delay o pagka-antala ng proseso ng impeachment sa Senado.

Hinala pa ni Castro, may pino-protektahan ang mga taga-Senado partikular si Senate Pres. Francis Escudero, at nakikitang paghahanda na ito para sa gustong posisyon o kaya’y sa Eleksyon 2028.

Giit ng Kongresista sana ay gawing prayoridad ng Senado ang gusto ng taumbayan na ituloy na ang paglilitis sa bise presidente na siyang inaakusahan.