-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Nais ng Makabayan bloc na tanggalin ng gobyerno ang kanilang mga itinalagang terrorist tag sa mga rebeldeng komunista upang magbigay daan sa usaping pangkapayapaan.

Ito ang nagtulak sa kanila upang ihain ang House Resolution 756 at saad ng mga ito na dapat bawiin ang mga resolusyon na nagtatalaga sa CPP-NPA-NDF at mga indibidwal na nauugnay sa kanila bilang mga terorista.

Ayon kay Anti-Crime and Terrorism (ACT) Teachers’ Partylist Representative France Castro, walang mangyayari kung magkakaroon ng naturang tagging sa CPP-NPA-NDF kabilang ang mga indibidwal na nauugnay sa kanila.

Kung ganito aniya ang magiging attitude ng gobyerno ay hindi na magkakaroon ng kapayapaan sa mga organisasyon kaya’t kailangang tigilan na ito at bumalik na lamang sa usapang pangkapayapaan na magpapatupad ng mga repormang panlipunan, pang-ekonomiya at pampulitika upang matugunan ang ugat ng armadong tunggalian.

Mababawasan ang mga patayan at kaso ng mga pagkukulong sa mga aktibista kung mas pagtutuunan na lamang ng pansin ang pagkakaroon ng peace talks na matatandang nagsimula muli sa administrasyong Duterte ngunit natigil noong taong 2017 dahil sa umano’y ceasefire violations.

Aniya marami na rin naman kasing agreements na nasang-ayunan ang usapang pangkapayapaan tulad ng pagkakaroon ng proteksyon sa mga negosyador at ang paggalang ng dalawang panig sa Comprehensive Agreement on Human Rights and International Law (CARIL).

Tinukoy din nito na mahigit kalahati na ang narating ng peace talks kaya kung talagang maitutuloy ito ay wala ng mangyayaring kaso ng patayan at iba pang isyu na kaugnay sa naturang usapin.

Dapat na lamang umanong manaig ang paggalang sa mga karapatang pantao dahil doon pa nga lang daw sa laging sinasabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na unity, kiwestyon ni Castro na paano magkakaroon ng unity kung tina-tag ng mga terrorist ang mga organisasyong nagsusulong ng mga panawagan ng mga mamamayan.