Binatikos ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang pagkukunwari ng Office of the Vice President (OVP) sa pagsasabing ipapaliwanag nila ang kanilang P125 milyon na kumpidensyal na pondo sa 2022 ngunit ginagamit na ngayon ang mayorya ng Kamara para sagutan ang aming mga katanungan.
Kinukundena ng makabayan bloc ang ginawa ng Committee on Appropriations ang pagpigil sa Makabayan bloc hinggil sa kanilang hinahangad na katanungan at interpelasyon sa tinatawag na confidential fund sa Office of the Vice President.
Sinabi ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro maraming bagay ang dapat ipaliwanag ng OVP sa publiko.
Ayon kay Castro na sila ay nagtataka kung bakit ganuon ang ginawa ng Komite.
Sabi ni Castro ay nakakagalit ang pangyayari dahil lubos silang naghanda para magtanong sa Office of the Vice President kung paano ginastos nito ang P125 million na confidential fund, na hindi man lang kasama sa 2022 General Appropriations Act (GAA) budget.
Mahalaga na maipaliwanag ito ng ng OVP ng sa gayon malinawan ang publiko.
Dagdag pa ni Castro na imbes na maging tagapagbantay ng kabang-yaman ng mamamayan, ginamit ng mayorya sa Kongreso ang budget hearing upang pagtakpan at panatilihing lihim ang anomalya sa Php 125 milyong Confidential Fund na ginastos ng Bise Presidente noong 2022.
Diin ni Castro karapatan ng mamamayan na malaman kung saan ginamit ang bawat sentimo ng Confidential Fund ng Bise Presidente lalo at hindi ito awtorisado sa pambansang budget ng 2022.
Sa panig naman ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas na dismayado sila sa agarang pag-apruba sa budget ng Office of the Vice President.
Sinabi ni Brosas na sila ay dismayado sa mga pangyayari kanina at talagang nakakagalit umano ang ginawa ng Komite.
Dagdag pa ni Brosas ang hindi pagbibigay ng pagkakataon na matanong kung paano ginasta ng Office of the President ang P125-million confidential funds ay pagpapakita ng kaduwagan.