
Umarangkada na ngayong araw ng Huwebes Santo ang isinagawang maintenance work ng mga tauhan ng Metro Rail Transit Line 3 at Light Rail Transit Line 2.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ilan sa mga aktibidad ngayong araw ay ang pagsasagwa ng general cleaning sa mga istasyon ng linya.
Habang pininturan na rin ang mga mast poles ng overhead catenary system na nagsusuplay ng kuryente sa mga tren ng MRT-3.
Samantala, kasabay nito ay isinagawa rin ang annual maintenance activities sa LRT-2 system na full force namang pinagtutulungan ng mga utility personnel nito.
Simula ngayong araw ay nagsagawa rin dito ng general cleaning sa LRT-2 Depot at gayundin sa revenue line.
Mabusisi ring nilini san ang mga station facilities at equipment dito tulad ng mga riles, station’s roofing, escalators, elevators, at hagdan.
Dahil dito ay pansamantala munang sinuspinde ang operasyon ng naturang mga rail services mula Abril 6 hanggang 9 at nakatakda itong magbalik sa normal pagsapit ng Abril 10, 2023.