-- Advertisements --
Magpapatuloy ang mainit na panahon sa bansa ngayong linggo sa buwan ng Marso.
Ayon sa state weather bureau, dulot ito ng easterlies o hanging nagmumula sa silangan patungong kanluran.
Kung may mararanasang pag-ulan, ito ay malamang na panandalian at pulu-pulo lamang, dahil wala namang binabantayang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Kaugnay nito, nagbabala ang state weather bureau sa publiko na iwasan ang matagal na pananatili sa labas lalo na sa oras ng matinding sikat ng araw, dahil patuloy ang pagtaas ng heat index sa mga nakalipas na linggo.
















