-- Advertisements --
Dr. Rontgene Solante

Inihayag ng isang eksperto na isa sa naging dahilan ng pagwawakas ng WHO sa COVID19 bilang global health emergency ay ang mitigating measures ng iba’t ibang bansa.

Ayon kay infectious disease expert Dr. Rontgene Solante, nakapaloob sa public health emergency ang mga hakbang upang maiwasan pa ang pagkalat ng virus na COVID19.

Aniya, kabilang din dito ang mga plano ng mga health agencies upang maiwasan ang paglobo ng bilang ng mga nasasawi dahil sa nasabing sakit.

Gayunpaman, dito sa ating bansa lumampas na sa bilang na 1,000 ang mga naitalang kaso ng COVID19 sa mga nakalipas na araw.

Dagdag di Dr. Solante, na isa sa naging dahilan rin ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ay ang proteksyon laban sa nakamamatay na sakit.

Kaya naman, nakikipagugnayan na ang DOH sa iba pang mga ahensya upang mariing subaybayan ang paglobo ng mga bagong kaso ng COVID19 sa Pilipinas.

Kaugnay niyan, ang benchmark para sa positivity rate na itinakda ng World Health Organization ay 5 porsyento lamang na kung saan nalampasan na ito ng Pilipinas.

Sinabi rin niya na hinihikayat pa rin ang publiko, lalo na ang mahihinang populasyon na kinabibilangan ng mga matatanda, mga taong may comorbidities, at mga hindi pa nabakunahan, na magsuot ng face mask upang maprotektahan ang kanilang sarili mula sa nakamamatay na virus.

Una na rito, binigyang diin din ng health expert na ang pagtatanggal ng COVID19 bilang global health emergency ay hindi nangangahulugang wala na ang pandemya mula sa virus na COVID19.