Namahagi ang pamahalaan ng P487.1 million na halaga ng tulong para sa 3 rehiyon na naapektuhan ng El Niño phenomenon.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kasama sa ipinamahagi ng tulong ang food packs, financial aid, fuel, galvanized sheets, generator sets, at hygiene kits.
Ipinamigay ang mga ito sa mga residente sa Mimaropa, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula.
Samantala, pumali na sa tinatayang P1.23 billion ang halaga ng pinsala sa sa agrikultura dahil sa El Niño sa mga lugar sa Ilocos Region, Cagayan, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula.
Bunsod nito, apektado ang kabuhayan ng nasa 29,409 na magsasaka at mangingisda sa nasabing mga rehiyon habang nasa tinatayang mahigit 26,000 ektarya ng sakahan ang apektado.










