-- Advertisements --

Nasa mahigit P400 milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa isang bodega sa lungsod ng Pasay nitong Lunes.

Ang nasabing mga droga umano ay galing sa Guinea sa Africa kung saan nadiskubre ito sa Pair Cargo Warehouse.

Ayon sa Philippined Drug Enforcement Agency (PDEA) na mayroong bigat na 58.93 kilo ang droga na nagkakahalaga ng mahigt P400-M.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang consignee ng droga at inihahanda na nila ang karampatang kaso na isasampa sa mga suspek.