-- Advertisements --
Tuluyan ng sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nakumpiska nilang iligal na droga.
Aabot sa halagang P4.5 bilyon ng mga iba’t-ibang uri ng droga ang kanilang sinira.
Isinagawa ito sa Integrated Waste Management Inc. sa Barangay Aguado, Trece Martires City, Cavite.
Pinangunahan ni Interior Secretary Jonvic Remulla at PDEA Director General Isagani Nerez ganun din si Dangerous Board Chairperson Secretary Oscar Valenzuela ang pagsira ng nasabing mga iligal na droga.
Sinabi ni Nerez na natiityak nilang agad na sinisira ang iligal na droga kapag nakakuha sila ng kautusan sa korte para hindi na ito mai-recycle pa.
















