DAVAO CITY – Matagumpay na naitakas ng fixer sa Land Transportation Office Region 11 (LTO-11) ang mahigit P32,800 na pesos mula sa kanyang mga biktimana may transaction sa LTO.
Sabay-sabay na dumulog at humingi ng tulong sa San Pedro Police Station ang tatlong mga biktima na nakunan ng suspek ng mga malalaking halanga ng pera.
Nakilala ang mga biktima na sina Kinrich Tamsi, 22 taong gulang, electrician, residente ng Mahayag, Bunawan, nitong lungsod; Adrian Vertudes, 30, may asawa, isang driver, residente ng Don Carlos, Bukidnon at isang Nilo Frasco, 27, binata, load vendor, residente ng Kiblawan, Davao del Sur.
Ayon sa mga biktima noong Hulyo 19, kasalukuyang taon, sabay-sabay umano ang mga biktima na pumasok sa LTO Office upang i-proseso ang mga requirements para sa mga nagawang violations, ngunit nilapitan umano sila ng isang Luis Sumooc, na nag-alok ng tulong kapalit ang bayad upang mabawi ang kani-kanilang mga driver’s licsence.
Si Kinrich nagbayad ng P4,000 na libong peso, si Adrian nagbayad ng P12,400 at Nilo nagbayad din ng P5,000 sa fixer.
Sa ngayon di na nila nakita at di na rin ma-contact ang suspected LTO fixer na si Sumooc.
Dalawa pa ang nadagdag na mga biktima na nagbayad din ng malaking pera kay Sumooc.
Nakilala ang mga biktima na sina Raffy Careon, 32, driver, residente ng Calinan, nitong lungsod na nakapagbayad ng P4,200 noong Hulyo 24, kasalukuyang taon.
Samantalang isang Romel Samalburo, 33, man asawa, magsasaka ng Toril na nakapagbayad ng P6,000 sa suspek noong Hulyo 9.