-- Advertisements --
Nasa mahigit P3 billion ang halaga ng iliga na droga na nakumpiska sa unang 100 araw ng Marcos administration.
Ito ay mula sa 20 anti-illegal drugs operation na isinagawa ng BOC.
Ayon pa kay spokesperson Arnaldo De La Torre Jr., pagdating sa agri-smuggling nasa P346 million halaga ang kanilang nakumpiska kung saan karamihan sa smuggled agricultural products ay nagmula sa China.
Nasabat din ng BOC ang nasa P289 million halaga ng smuggled na asukal matapos ng kanilang isinagawang apat na operasyon.
Kasalukuyang minomonitor din ang issuance ng letters of authority para sa importasyon ng asukal.