-- Advertisements --

NAGA CITY – Kumpiskado ang nasa mahigit P250-K na halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad nakumpiska sa tatlong suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Lucena City.

Kinilala ang suspek na sina Michael John Jaca; Rodrigo Quiña, parehas 44-anyos at Reynaldo De Luna Jr., 30-anyos, lahat residentes ng nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili ng isang sachet ng nasabing iligal na droga kay Quiña ang nagpanggap na posuer buyer.

Sa nasabing operasyon, naaktuhan rin na naggagamit ng pinaniniwalaang shabu sina Jaca at De Luna.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na maliban sa buy-bust item, nakumpiska pa sa mga suspek ang apat na sachet ng heat-sealed transparent plastic sachets ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang mayroong bigat na 12.1 grams at nagkakahalaga ng P246,840.00 at iba pang mga drug paraphernalia.

Sa ngayong, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.