Idineklara ni outgoing Davao City Mayor at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio ang P216.19-million campaign sa kanyang Statement of Election Contributions and Expenditures (SOCE).
inihain ni Mayor Inday Sara ang kanyang SOCE noong nakaraang Martes kung saan din niya ito inilabas sa media.
Base sa SOCE, nakatanggap si VP Inday Sara ng kabuuang P136,609,244.91 in-kind contributions mula sa kanyang political party habang P79,581,690.15 in-kind contributions mula sa iba pang sources .
May kabuuang P216,190,935.06 ang ginastos gamit ang in-kind contributions, na ginamit sa mga television advertisements, political rallies at mga poll watchers. Samantala, base sa SOCE nito, hindi gumastos na kahit isang centavos si Inday Sara na galling sa kanyang personal na pondo o kahit resources para sa kanyang pangangampanya.
Alinsunod sa mandato ng Section 14 ng Republic Act 7166, walang taong nahalal sa alinmang pampublikong opisina ang maaaring magsimula ng kanilang trabaho hangga’t hindi ito nakapaghain ng statement of contributions at expenditures kung kinakailangan.
Ayon sa comelec, ang deadline ng pagsusumite ng Soce ay June 8, 2022.