-- Advertisements --
Inaasahang magkakaroon ng umento na mahigit P1 kada litro sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa presyo ng diesel, tinatayang nasa P1.20 hanggang P1.50 kada litro ang magiging umento.
Habang sa presyo ng gasolina at kerosene naman ay inaasahang tataas ng P1.10 hanggang P1.40 kada litro.
Ayon sa mga eksperto ang inaasahang pagtaas sa presyo ng mga petroleum products ay dahil sa pagbabawas ng Saudi Arabia ng produksiyon ng langis.
Inaasahan na mag-aanunsiyo ang mga kompaniya ng langis ng presyo ng mga produktong petrolyo sa araw ng Lunes na ipapatupad sa araw ng Martes.