DAVAO CITY- Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 4712 An act amending certain sections of the tariff and customs of the Philippines, ang dalawang smuggler na naaresto sa checkpoint na balak sanang magpuslit ng smuggle cigarettes .
Una nito, naharang sa Maco Municipal Police Station, Regional Mobile Force Battalion checkpoint ang dalawang smuggler ng sigarilyo. Pasado alas 3 sa kaadlawon ng ma intercept ng mga personahe ng kapulisanang isang puting L300 Van.
Sa ginawang inspeksyon, tumambad sa kinauukolan ang 2,320 ream ng undocumented na sigarilyo na Gajah Baru Brand at isang daan na ream ng Canon brand. Ayon sa otoridad, tinatayang nasa 615,000 pesos ang halaga ng nasabing kontrabando.
Kaagad namang pinusasan ang dalawang suspek na kinilalang sila Minjan Asamusdin Tayah. Alkaijel Mohammad Abdulmaim at Ronnel Caballes, na kasalukuyang nakabilanggo ngayon.