DAVAO CITY – Nasa 1,099,841 ang kabuoang bilang ng mga estudyante sa Davao Region ang nakapag-enroll na para sa school year 2022-2023.
Ito ay base sa kakalabas pa lamang na LIS Quick Count ng Department of Education (DepED) XI as of August 17, 2022.
Ang nasabing enrollees ay 79% na mula sa bilang ng official enrollment sa nakaraang school year 2021-2022 na nasa 1,395,893.
Sa kasalukayan, aabot na sa 550,306 na mga batang lalaki ang nakapag-enroll habang 549,535 naman ang mga babaeng estudyante.
Para sa Kinder, nasa 69,980 ang nagpa-enroll sa public schools habang 5,253 naman ang nagparehistro sa private schools.
Para sa Elementary Level, nasa 480,373 ang enrollees para sa pampublikong paaralan at 24,030 para sa pribado.
Sa kabilang banda, nasa 319,123 na mga enrollees naman sa Junior High School ang nagpa-enroll sa Public schools at 33,177 para sa private.
Habang sa Senior High School, nasa 120,475 na mga estudyante ngayon ang nagpa-enroll sa pampublikong paaralan at 47,430 naman sa pribadong eskwelahan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Davao kay Jenielito “Dodong” Atillo, tagapagsalita ng DepEd XI, tinatanaw nila ito bilang isang positive development lalo pa na sa nasabing bilang, hindi pa kasali dito ang data mula sa Alternative Learning System (ALS).
Positibo naman ang DepEd XI na malalampasan pa ang bilang ng mga enrollees sa nakaraang school year.