-- Advertisements --
image 260

Nailabas na ng Department of Budget and Management ang mahigit 90% mula sa P5.268 trillion pambansang pondo para sa 2023 nitong katapusan ng Hulyo.

Base sa Status of Allotment Releases noong July 31, nakapaglabas na ng kabuuang P4.891 trillion ang DBM.

Ito ay katumbas ng 92.8% ng kabuuang pondo sa ilalim ng 2023 general appropriations act.

Nasa P3.046 trillion dito ay nai-release sa mga ahensiya ng gobyerno para sa kanilang mga prayoridad na mga proyekto, aktibidad at programa na nakahanay sa 8-point socioeconomic agenda ng Marcos admin.