-- Advertisements --

Umaabot sa 8,455 individuals ang bilang ng mga pasyenteng nabigyan ng pag-alalay ng Philippine Red Cross (PRC) sa kabuuan ng Semana Santa.

Sa kanilang final report, humabol pa ang data sa mga nirespondehan ng PRC sa panahon ng pagbabalik ng mga bakasyunista mula sa mga lalawigan.

Nagtulong-tulong naman ang kanilang mahigit 2,000 tauhan para mabigyan ng paunang lunas ang mga nangangailangan.

Narito ang bilang ng mga inalalayang pasyente:

Vital Signs Taken (BP) – 7,657
Minor Cases – 497
Major Cases – 49
Transported to hospital – 48
Welfare – 204

Narito naman ang total assets deployed:

Ambulance: 178
First Aid Stations: 274
Welfare Stations: 45
Foot Patrol: 23
Manpower: 2,262 volunteers and staff