-- Advertisements --
NAIA

Nakapagtala ng mahigit 730,000 pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa kasagsagan ng Undas break.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), nakapag-accommodate ng kabuuang 732,573 pasahero ang naturang paliparan ngayong holiday break.

Nasa 88% naman ng 800 flights kasabay ng paggunita ng Araw ng mga Santo kahapon, November 1 ay on time.

Samantala, tinatayang aabot sa 1.2 million pasahero ang maaccommodate ng NAIA sa pagtatapos ng Undas ngayong taon.