Mananatili sa listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 761,000 pamilya na dapat ay tatanggalin sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa ilalim ng conditional cash grant system.
Paliwanag ni DSWD spokesperson Edu Punay, sa 1.1 milyong kabahayan na nakatakdang magtapos sa 4Ps, 339,660 lamang ang nakaahon mula sa kahirapan.
Base sa latest data ng Philippine Statistics Authority noong 2021, ang poverty threshold ay ang pamilya na may buwanang income na P12,030.
Karamihan sa mga nanatili sa 4Ps at nananatiling mahirap ay ang mga naapektuhan ng pagtama ng covid-19 pandemic sa ating bansa.
Sa ilalim nga ng 4Ps, nagbibigay ang pamahalaan ng health and education grants para sa 3 mga bata sa bawat pamilya na naberipikang namumuhay ng below sa poverty line.