-- Advertisements --

Nakakumpiska ang US ng cocaine na nagkakahalaga ng $700,000.

Ayon sa US Customs and Border Protection, nasabat nila ang nasabing droga sa Hidalgo Bridge ng US-Mexico border na tawid lamang ng Rio Grande, Texas at Tamaulipas, Mexico.

Base sa imbesitasyon, hinarang nila ang isang kahina-hinalang van at ng siyasatin nilang mabuti ay lumantad ang 37 pakete ng cocaine na may bigat na 92.72 pounds.

Nauna rito noong nakaraang buwan din ay nakakumpiska ang mga otoridad ng nasa $310,700 halaga ng cocaine sa parehas din tulay.