-- Advertisements --

Mayroong mahigit 7,000 na bakanteng posisyon sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang hindi pa napupunan.

Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui na isa sa ang mababang pasahod kaya marami ang umaalis sa nasabing ahensiya.

Sa pagtatapos kasi ng 2022 ay nasa 7,724 ang nabakanteng posisyon.

Aminado si Lumagui na hirap silang mapunan ang nasabing mga posisyon dahil sa mababang pasahod.

Sa mga probinsiya kasi ang mga entry level ng sahod sa mga accountants at mga abogado ay P27,000 na mas mababa kaysa sa P51,000 sa Civil Service Commission.

May ilang mga taga probinsiya ang nais na magtrabaho sa Metro Manila para tumaas man lang kanilang mga sahod.