Aabot sa mahigit 64,000 job vacancies sa bansa at abroad ang magbubukas kasabay ng pagdiriwang ng Labor day sa Mayo 1.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nasa kabuuang 52,237 trabaho para sa local employment habang nasa 12,248 job vacancies naman sa iba’t ibang bansa.
Ilan sa pangunahing bakanteng posisyon ngayon para sa local employment ay production at machine operators, customer service representatives, collection specialist, sales agent at promodiser at market research interviewer.
Para naman sa overseas employment, ang mga bakanteng trabaho na indemand ngayon ay nurses at nurse aides, waiters, household service workers, kitchen helper o assistant cook at salespersons. Ang mga bansang nangangailangan sa nabanggi na mga job vacancies ay sa Middle East, Germany, Poland, United Kingdom, Japan, Taiwan at Singapore.
Kaugnay nito, magsasagawa ng DOLE ng job fairs sa halos lahat ng rehiyon sa buong bansa sa Mayo 1.