-- Advertisements --

Mas pinaigting pa ng United Kingdom ang pagbabantay sa mga Russians na nasa kanilang bansa.

Mula kasi ng lusubin ng Russia ang Ukraine ay aabot na sa 600 Russian Officials ang kanilang pinalayas sa Europa kung saan 400 sa mga dito ay napatunayang ispiya.

Siabi ni MI5 director general Ken McCallum, na patuloy ang kanilang ginagawang pagbabantay para maging mahirap na operating environment ng Russia ang UK.

May mga pakikipag-ugnayan na rin sila sa iba’t-ibang bansa para hindi makapasok ang mga Russian spy.