-- Advertisements --
Nasa 600 na mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Quezon City Jail Dormitory ang napalaya sa pamamagitan ng Decongestion program.
Sinabi ni Jail Warden Jail Supt. Michelle Ng Bonto, na ang nasabing pagpapalaya ay alinsunod sa Supreme Court Office of the Court Administrator’s (OCA)Circular 201-2002.
Base sa nasabing circular na kapag nakumpleto na ang hatol ng PDL ay walang ibang legal na dahilan ang mga ito para manatili sa kulungan.
Mula Enero hanggang Abril 25, 2023 ay mayroong 668 PDL na ang kanilang napalaya na nag-aaverage ito ng 15 PDL kada araw.
Noon ay aabot sa 3,800 ang bilang ng mga PDL subalit ngayon ay nasa 3,400 na ito kada buwan.